Unlocking Bright Futures

View the Latest News and Updates of CNSC

Pagsasanay sa Masinop na Pagsulat at Pagsasaling-Wika, Isinasagawa sa CNSC

By: CNSC PICRO, 2025

Isinasagawa ngayon sa Camarines Norte State College ang dalawang araw na pagsasanay na pinamagatang Luntian: Pagsasanay sa Masinop na Pagsulat, Korespondensyang Opisyal, at Pagsasaling-Wika ngayong Marso 24-25, 2025. Ang programa ay inorganisa ng CNSC-Sentro ng Wika at Kultura (SWK), katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), at ginaganap sa CAS Development Communication Laboratory ng CNSC.

Ang pagsasanay na ito ay nilalahukan ng mga kawani mula sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte upang mapalakas ang kanilang kasanayan pagsulat, paggawa ng opisyal na korespondensya, at pagsasaling-wika mula Ingles patungong Filipino at vice versa.

Pinangungunahan ito ng mga eksperto mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na nagbibigay ng malalimang talakayan at interaktibong workshop.

Ayon kay Dok. Rose Ann DP. Aler, pinuno ng CNSC-Sentro ng Wika at Kultura, ang programang ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng tamang paggamit ng wika sa opisyal na dokumentasyon ng mga lingkod-bayan. Sa pamamagitan ng mga workshop, mas nagiging bihasa ang mga kalahok sa pagsusulat ng mahahalagang dokumento, pagwawasto ng sulatin, at pagsasalin ng opisyal na teksto upang mapabuti ang kalidad ng pampublikong komunikasyon

Scroll to Top