Unlocking Bright Futures
View the Latest News and Updates of CNSC
SANGHAYA 2025: National Youth Literary Festival
SANGHAYA 2025: National Youth Literary Festival noong Hulyo 30, 2025, sa Camarines Norte State College (CNSC), sa pakikipagtulungan ng National Committee on Literary Arts ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC). Layunin ng festival na ito na higit pang palaganapin ang panitikan sa hanay ng kabataan, hikayatin ang malikhaing pamamahayag, at linangin ang kulturang Filipino para sa susunod na henerasyon ng mga manunulat.
Sa unang araw pa lamang ng programa, dama na agad ang masiglang pagdiriwang ng kulturang Filipino. Mainit ang naging pagtanggap sa mga kalahok mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Pinangunahan ito ng mga opisyal ng CNSC, kabilang sina Dr. Edgar P. Aban, OIC-President ng CNSC, at Dr. Dolores C. Volante, Vice President for Academic Affairs.
Samantala, nagbigay ng mensahe si Paolo Gabriel Ferrer, Vice President for Internal Affairs ng JCI Daet Kabihug sa ngalan ni JCI Daet Kabihug President, Nico C. Cañaveral President. Nagbigay naman ng konteksto si Niles Breis, Tagapamuno ng National Committee on Literary Arts (NCLA), ukol sa kasaysayan at layunin ng National Youth Literary Festival, kung paano ito nagsimula at kung paanong patuloy itong pinalalaganap. Mahalaga ang diskusyong ito upang maunawaan ng mga kalahok ang lalim ng kahalagahan ng kanilang pagtitipon.
Sa unang araw din ay ibinahagi ang mga patakaran at gabay para sa mga gaganaping performance-making at iba’t ibang gawaing pampanitikan.
Sa ganitong selebrasyon, nawa’y patuloy nating linangin at pagyamanin ang ating mga talento lalo na ang pagmamahal sa kulturang Filipino.